Entries for December, 2006
December 1st, 2006
tula para sa pusa... POSTED AT 02:19 PM kahit kaila'y hindi na makakamtan. hanggang tingin, hanggang tago na lamang. nung minsay kinausap, muka'y naiilang. tumatawa, ngumingiti, gumagalaw ang labi. ako'y nawili, kaya't ika'y pinilit, ika'y kinilala. lumabas na ngiti'y aninag lamang ng araw, at tawa'y bulong lamang ng hangin. di kailangan ng salita, may mensaheng naipadala. ako'y nagbulagbulagan, di pinansin ang katotohanan. di ko man lang inalala, ang dapat gampanan: na pansinin ang kilos ng dalagang kay rikit. ako rin ang may sala, aking pagaasa sa wala. hanggang ngayo'y inaalala, ang salang ginawa. sapat na ba'ng paghihirap 'to para sa sarili ko? "magmahal ng isang di ka mahal" laging bukam' bibig laging napaglalaruan ng mapalinlang na pagibig akoy nalilito kung ano nang dapat gawin. dahil mahal ko pa siya... Listening to: nobela - join the club Watching: Jack TV Feeling: uncomfortable 2 00,0000 comments
|
|
December 4th, 2006
pusa`t hari... POSTED AT 11:55 AM sa labas ng matanda't malumot na simbahan sa tabi ng mga batang naglalaro ng tex sa likod ng mag syotang naglalambingan ako'y nakayuko't nagdarasal iniisip ka't kung bakit ako narito. kung dapat bang ialay ang aking mga biyaya, sa iba upang magmistulang dakila? o ipagdasal ang sarili, tulad ng dati. sa huli, ang aking pinili ay ikaw. ang 'yong mga problema, ang 'yong mga daing. kung anong kailangan mo, mga ginigiliw mo. ipinagdasal ko, kahit 'di ko alam ang mga ito. nakapalibot sa simbahan ang mga palamuting pampasko. nilibot ko 'to at aking tinignan ang bawat isa. sa lahat ng mga ito, isang eksena ang naging agaw pansin. ang eksena ng pagkapanganak ni hesus. kumpleto ang lahat, mula kay maria, hanggang sa mga hayop. ngunit, ang kapansin-pansin, ay ang isang pamilya rito. pamilya ng mga pusa, nanirahan sa gita ng tatlong hari. akoy natuwa nang itoy makita, kay rikit at kay ganda. sa ilalim ng buwan at sa liwanag ng ilaw mga bata'y nagkakantahan "boom tarat-tarat" ngumiti na lang ako't naglakad palayo hinarap muli ang mga tao sa tabi iniwan ko ang mga pusa't mga hari, sa kanilang munting langit. kahit gaano kaganda, kahit gustuhin ko pa, 'di ito mapapasakin. doon siya nararapat, doon ka nararapat, sa inyong langit. hanggang sulyap na lamang ang magagawa, sa mga pusa't hari. Feeling: sleepy |
|
December 5th, 2006
nawawalan na ng inspirasyon... POSTED AT 11:22 AM nawawalan na ako ng inspirasyon... kaya siguro huling "tula" ko na 'to... kahit hindi mo na babasa 'to, basta mailabas ko tama na 'yon....haaay sige eto na... pasulyapsulyap Ilang buwang pinuri
hanggang doon na lang... paalam na po... Feeling: weird |
|