Entries for September, 2006
September 29th, 2006
Kwento ng torpe... POSTED AT 07:27 AM "shet, andyan na naman siya... anong sasabihin ko? lalapit ba ako? nakikita niya kaya ako? ang dami naman niyang kasama! ang ganda ng ngiti nya, magtatago na lang ako rito sa tabi para hindi ako mag mukang TANGA..." pamilyar ba? yan ang kadalasang dumaraan sa isip ko. Tumitigil ang paa, nanginginig ang labi, nauutal, hindi makapag salita, uurong na lang imbis na lumapit.... ang ganda talaga ng sistema ng mga torpe no? Ngunit may mga sitwasyon na kelangan talagang kumilos, kundi aabutin na naman ng ilang linggo bago kayo muling magkaroon ng pagkakataong magkita.... Haha... wala naman kasing ibang paraan para magkakilala kayo diba? diba?! yun, ewan ko lang kung may mga karamay ako diyan na kasing torpe ko, gusto ko lang sabihin na, badtrip, kakainis talaga ang kaabnormalan na 'to. Hindi gagaling, hindi matatakasan, pwede lang labanan... haha naghahanap lang ng outlet para sa katangahan ko, hindi gumagalaw, hindi nag sasalita, hindi dumidiskarte, wag nyo ko tularan a... ngayon, imbis na magdrama rito, at magmukmok, dapat nga naman na kumilos na diba? tama....
pero...
"shet, andyan na naman siya... anong sasabihin ko? lalapit ba ako? nakikita niya kaya ako? ang dami naman niyang kasama! ang ganda ng ngiti nya, magtatago na lang ako rito sa tabi para hindi ako mag mukang TANGA..."
haaay.......
Reading: the currently reading sign Listening to: torpedo - eraserheads Watching: the computer monitor Feeling: tooorpeeeeeeedo 2 00,0000 comments
|
|