Teenage life is the best!! check me out at my friendster account Drigger44@yahoo.com hehe pa add na rin kung ayos lang :P

Entries for January, 2006

January 2nd, 2006

EK part 2...
POSTED AT 05:55 PM

ok. sooo umulit ako ng Enchanted Kingdom. Bday rin naman kasi nung pamangkin ko e, (jan 1) kaya yun nag new year, este, EK kami. Swerte rin naman at naabutan namin ung Spectaculo Pyrotechniko ng EK. Ang lupit nung fireworks at laser lights show nila. haha astig. yung buong himpapawid napuno ng ilaw nung gabing 'yon.

pero, hehe, marahil hindi niyo alam kasi dalawang tao pa lang ang nasasabihan ko, kaso, uhhh, basta may isang babae akong nagustuhan, best friend ko dati, pero, naunahan ako... basta yun na lang. kahit sabi walang balak.... kaso yun nauhan ako... haha anlabo kaso ganun talaga ang buhay e. haha.....

kaya sa EK medyo nagpakadesperado na ako at naghanap ako ng makakausap dun. haha hindi naman ako nagpaka-abnormal dun at kinausap ko lahat ng babaeng makita ko. naghanap lang ako ng, ewan. haha ang pinakamalapit na contact ko sa babae e eye-contact e. haha. e wala na kayong magagawa torpe ako e. kaya yun, andito ako at kinakausap ang monitor ng PC. nakikinig ng simple plan, disturbed, eraserheads at spongecola.

ang babaw ko sobra... ehehe

siguro sobrang intimidated lang ako sa lahat ng babae... parang lahat kasi sila "out of my league"  (tama ba spelling?) kasi ang lagi kong pagiisip ay ganto: Mas mataas sakin ang babae, mas mababa sa diyos at kapantay ng mga kaibigan. kaya siguro nga wala na talaga akong makukuhang babae kung hindi pa siya ang magsabi na... wag na, hindi naman mangyayari e. ahaha.

magpapari na lang kaya ako...  hmmm.... haha pwede rin... kaso iluluwa lang ako nung kumbento e. ehh bahala na si batman. basta ako, maaaring manatiling ganto, kung ano man ito.

Nga pala hapi new year sa inyong lahat....


Reading: punyetang catcher in the rye
Listening to: pare ko - spongecola remix
Feeling: moody...


January 4th, 2006

HOY!!!
POSTED AT 11:54 AM

uh hi! to my tabulas friends, romans and countrymen, kahit hindi niyo ako kilala pa gawa naman ng palanca o. hahaha malapit na retreat namin e.... e kayo na lang maaasahan ko gumawa. haha sige salamat!!

 

nga pala, kahit sa comments niyo na lang ilagay.

 

ACE JUSTIN DIWA!! BAWAL KAYO MAGLAGAY RITO!! LANGYA MGA KAKLASE KO KAYO ISULAT NIYO NMAN!

 

sige ingat!! babay!!


Reading: my script
Listening to: down with the sickness - disturbed
Feeling: pensive


January 18th, 2006

Takot? Galit? Putcha!
POSTED AT 03:18 PM

Takte! Nabuwiset lang ako sa teatro ngayon. Hindi ko inaasahang puwede mangyari ito. kaso nangyari nga. ang isang bagay na nagbibigay sa akin ng saya at kaligayahan ay kinupal ako. Puta, hindi dahil sa mga tao, dahil sakin.

 Ako ang pinuno ng Teatro Baguntao, isang organisasyon dito sa Ateneo HS. Maarte kami, mga artista e. Unang beses ko umupo bilang pinuno, wala akong kaalamalam kung paano. Pero sabi naman nila OK lang iyon. Na promote ako mula sa pagiging secretary kasi tumakbo para sa mas mataas na posisyon ung unang pinuno at ikalawang pinuno. At ako ang nailuklok bilang pinuno.

 

KUPAL! wala akong alam sa pagiging pinuno, tingin nila sakin ay isang maliit na bata na dapat HINDI NIRERESPETO! Tang ina 4th year na ako, 16 taong gulang at tao rin naman. Anong hindi ka resperespeto doon?

MAHIRAP ba na SABIHIN sa INYO na mag ensayo ng dula? Na putcha sa isang linggo na ipapalabas hindi pa rin kumpleto. PUTA! buwiset! nababanas ako sa sarili ko kasi muka akong totoy na bata na hindi karesperespeto. HIndi naman nila kasalanan e, kasalanan ko kasi mahina ako. Hindi ako katulad ng mga kaibigan ko na malupit umarte, magaling sa pagiging pinuno at pagiging direktor. Parang isinaksak nila ako sa isang garapon at initcha na lang sa tae ng kalabaw. Panggago naman e. Puta. tang inang responsibilidad ito, hindi ko naman hiningi ito e! binigay pa rin sakin, dahil wala lang. TAENA!!! anak ng puta.

 Kahit DOTA hindi mapawi ang galit ko, kahit pagkain, kahit musika, kahit ano! wala! Galit na galit ako sa lahat ng makita ko ngayon.

 

MAG INGAT KAYO SAKIN BUKAS, PAG HINARANG NIYO AKO BUBUNDULIN KO KAYO. PUTA.


Listening to: distrubed - down with the sickness
Feeling: TANG INA!


 User


DriggerxXx

 Navigation
Home Content
Profile Friends
Gallery Friends Of
Links Archives
Favorites
 Communities
 Tagboard
your name:

url:

your message:

 My Links
 Pages