pusa't hari
sa labas ng matanda't malumot na simbahan
sa tabi ng mga batang naglalaro ng tex
sa likod ng mag syotang naglalambingan
ako'y nakayuko't nagdarasal
iniisip ka't kung bakit ako narito.
kung dapat bang ialay ang aking mga biyaya,
sa iba upang magmistulang dakila?
o ipagdasal ang sarili, tulad ng dati.
sa huli, ang aking pinili ay ikaw.
ang 'yong mga problema, ang 'yong mga daing.
kung anong kailangan mo, mga ginigiliw mo.
ipinagdasal ko, kahit 'di ko alam ang mga ito.
nakapalibot sa simbahan ang mga palamuting pampasko.
nilibot ko 'to at aking tinignan ang bawat isa.
sa lahat ng mga ito, isang eksena ang naging agaw pansin.
ang eksena ng pagkapanganak ni hesus.
kumpleto ang lahat, mula kay maria, hanggang sa mga hayop.
ngunit, ang kapansin-pansin, ay ang isang pamilya rito.
pamilya ng mga pusa, nanirahan sa gita ng tatlong hari.
akoy natuwa nang itoy makita, kay rikit at kay ganda.
sa ilalim ng buwan at sa liwanag ng ilaw
mga bata'y nagkakantahan "boom tarat-tarat"
ngumiti na lang ako't naglakad palayo
hinarap muli ang mga tao sa tabi
iniwan ko ang mga pusa't mga hari, sa kanilang munting langit.
kahit gaano kaganda, kahit gustuhin ko pa, 'di ito mapapasakin.
doon siya nararapat, doon ka nararapat, sa inyong langit.
hanggang sulyap na lamang ang magagawa, sa mga pusa't hari.
Currently feeling: sleepy